Biyernes, Oktubre 2, 2015

Heneral Luna

Sinematograpiya

May mga parteng magaganda ang pagkakakuha ng lente ng kamera sa pelikula. Katulad na lamang noong nag-uusap si Heneral Antonio Luna (John Arcilla) at ang kaniyang kasintahang si Isabel (Mylene Dizon). napakaganda ng pagkakakuha noon dahil nakapokus talaga ang kamera sa kaniya at kitang-kita ang kaniyang emosyon. Ang pag-akyat ni Heneral Luna sa bundok ay kakikitaan din ng napakagadang sinematograpiya. Doon makikita kung gaano lamng siya kaliit sa napakalawak na mundong kaniyang ginagalawan. Ang pag-iilaw ay naaangkop sa bawat senaryong ipinakikita. Hindi siya katulad ng ibang pelikulang napakaraming arte sa pag-iilaw at pagkuha ng anggulo sa pagpipihit ng lente ng kamera na kung saan madaling maintindihan ng mga manonood ang daloy ng palabas.

Musika

Naaangkop ang musikang inilapat sa pelikulang ito. Naaayon ang bawat tunog sa mga eksenang ipinakikita sa palabas. Kung anong emosyon ang ipinakikita, naaangkop din ang tunog na inilapat dito.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento